*`*Laugh with me:

this post is dedicated to all people who had an awful, tiring day or simply the pleasure of reading this.
Oh ano?? angas ka!?. . .Colgate ang gamit ko!


1. Saan ang usual gimik spot nyo ng mga friends mo every Saturday night?

*Luneta Park. Sa tambayan ng mga naghahanap ng kakaibang gimik kung gabi. Wala ka pang babayarang entrance fee!

2. Saang mall ka madalas mag-shopping?

*SM-DS (Santa Ana Market Dry goods Section) - Everyday may sale! Pwede ka pang tumawad!

3. Anong hotel ang madalas mong puntahan para magcheck-in?

*Nice Hotel. Lagi akong nakakakita ng stars kapag nandito ako. May free pansit pa!

4. Anong amusement theme park ang napuntahan mo na?

*Perya ng Bayan. May souvenir picture pa kami nung Babaeng Gagamba.

5. Whenever I crave for chocolate, I always look for...

*Chocnut. Me cocoa na, me mani pa! Me free sticker ka pa!

6. Para wag mong makalimutan, where do you usually put important and urgent messages?

*On my palm. Kung masyadong mahaba, minsan umaabot pa sa braso.

7. Saan ka usually nakakakita ng olive?

*Sa TV. Partner ni Popeye.

8. My summer outing must-haves are...

*Tabo. Sa banyo lang kasi ako eh.

9. What is your usual pig-out food when watching TV?

*Kaning lamig. Kahit walang ulam pwede na.

10. Kapag nagkaka-pimple ka, ano ang first thing na ginagawa mo?

*Lagyan ko agad ng first-aid treatment for pimples na available sa bahay. Suka. Natural antiseptic pa!

11. What are your collections?

*Bags, particularly paper bags.

12. If ever may magbibigay sa yo ng 100 pesos, ano ang gagawin mo?

*Ipambabayad ko ng utang. Kabawasan din yan.

13. Ano ang latest gadget ngayon na meron ka?

*mp3 player from Quiapo. So what kung kaboses ni Mahal si Regine Velasquez sa player ko?

14. Magkano ang nagagastos mong load sa cellphone every month?

*30 pesos. Kaya kapag di na ko nakakapag-reply alam na ng mga friends ko ang dahilan.

15. Whenever I want to eat steak, I always go to...

*Sa pinakamalapit na tindahan para bumili ng Century Tuna in beefsteak flavor.

16. Kapag sinabi mong "ayokong kumain", that means...

*Wala na akong atik.

17. What is your favorite hors d'oeuvre during dinners?

*Sorry, pero di ko kayang lunukin ang hindi kayang bigkasin ng dila ko.

18. Gaano ka kadalas mag-shopping?

*Once a year. Kapag na-receive ko na yung 13th month.

19. What was the grandest tour you had so far?

*Philippine Tour...sa Nayong Pilipino.

20. Ano ang iyong mantra in life?

*The best things in life are free.

NOTE: I know the answers are really dumb yet funny, thats how it is. Pasaway! haha..OK lang kung hindi ka natawa, ayaw mo lang siguro mahulog ang pustiso mo. :))


Naminé16 on Friday, May 04, 2007